Nasabat ng mga Bureau of Customs operatives ang mahigit 500 kilo ng shabu na sinubukan na ipasok sa Post Office ng Pasay City.
Itinago sa isang metal container ang shabu na nagkakahalaga ng 3.5 million pesos na idineklarang galing sa New Delhi, India.
Base sa dokumento, deklaradong universal engine ang kargamento.
Nasa kustodiya ngayon ng BOC ang babae na kukuha sana ng mga kargamento. Aminado ang babae na binayaran lamang siya para kunin ang naturang kargamento. Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng BOC personnel ukol sa mga nasabat na ilegal na droga.