STEPH CURRY, OUT DAHIL SA INJURY

Hindi na nakabalik ng ball game ang star player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry, matapos mapilipit ang kanyang balikat sa pakikipag-agawan ng bola sa guard ng Indiana Pacers na si Jalen Smith.

Agad dinala sa locker room si Curry at hindi na ito pinabalik ng laro mahigit dalawang minuto bago matapos ang third quarter.

Ayon sa head coach ng Warriors na si Steve Kerr, isasailalim sa MRI si Curry sa Biyernes, Dec. 16, upang masuri kung seryoso ang tinamong injury ng star player ng Warriors.

We’ll see how he is tomorrow. He’s in good spirits and we’ll hope for the best,” ani Kerr.

Dahil sa maagang exit ni Curry, natalo ang Warriors sa iskor na 125-119 pabor sa Indiana Pacers.

Pero bago sumibat ng game si Curry, nakapagtala ito ng 38 big points, 7 assists at 2 steals.

Pinangunahan naman ni Tyrese Haliburton ang koponan ng Pacers sa kanyang impresibong 29 points.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x