Patay ang limang sundalo sa nangyaring pag-aamok sa loob ng Camp Evangelista, Patag, Cagayan De Oro City nitong Sabado ng madaling araw, Pebrero 11.
Ayon sa salaysay ng mga testigo, isang PVT Johmar A. Villabito 35, ang nagwala at walang habas na pinagbabaril gamit ang kanyang M16 rifle sa limang sundalo habang natutulog.
Dead on the spot sina CPL Bernard Rodrigo, PVT Joseph Tamayo, PFC Prince Kevin Balaba, at Sgt. Rogelio Rojo.Samantala sugatan naman si SSG Braulio Macalos Jr na isinugod sa Polymedic Plaza Hospital.
Napatay naman ang nag-amok na si Villabito matapos siyang barilin ng mga rumespondeng kabaro na sina Pvt. Mark Anthony Aguinid at PFC. Josiah Estrada.
Ayon kay Maj. Francisco Garello Jr., spokesperson of the 4th Infantry Division inaalam pa nila ang motibo sa likod ng pamamaslang.
Magsasagawa din sila ng board of inquiry team upang imbestigahan ang nangyaring krimen. tpos