SWS: 75% NG MGA PINOY KUNTENTO SA PERFORMANCE NI MARCOS

Satisfied ang 75% na mga Pilipino sa performance ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. base sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 10-14, 2022 kung saan mas mataas ng apat na porsyento ang nakuhang performance ng pangulo kumpara sa 71% noong Oktubre. Ganunman, 7% ng mga Pinoy ang nagsabing hindi sila nasiyahan at 18% naman hindi makapag-desisyon.

Mindanao ang nanguna na nakapagtala ng pinakamataas na excellent net satisfaction ratings ng presidente.

Ayon sa datos ng SWS, nakuha ang presidente sa Mindanao ng 72% “excellent “rating, “very good” rating naman ang nakuha ng president sa Luzon (68%), sa Visayas (67%) at sa Metro Manila (65%). 

Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,200 Pilipino. 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Marcos sa resulta ng nasabing survey.

“Nagpapasalamat ang buong Marcos-Duterte administration sa tiwala ng ating mga kababayan sa ating pamumuno, lalo pa nating pag-iigihin ang ating trabaho para sa magandang buhay ng bawat pamilyang Pilipino. ” saad ng pangulo sa kanyang Twitter account.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x