Hinarang at kinumpiska ang mga balot ng pagkain na take out sana buhat sa isang handaan sa bayan ng Madalag, Aklan.
Lumpiang shanghai, pancit at mga longganisa na hindi pa luto ang kinumpiska ng kinauukulan sa mga bisita ng isang handaan na pabalik sana sa kanilang lugar sa Madalag.
Kinumpiska ang mga ito bilang hakbang ng Office of the Municipal Agriculturist Madalag Aklan na makaiwas sa kaso ng African Swine Fever.
Sa kasalukuyan ay may executive order ang Madalag na nagbabawal ng pagpasok ng mga baboy, fresh at frozen pork products. Nasa ilalim din ng restricted status sa mga hog traders at livestock transport carriers ang nasabing bayan buhat sa iba’t ibang municipalities.
Agad na inilibing ang mga nakumpiskang pagkain.
[camera] Office of the Municipal Agriculturist Madalag Aklan


