TANIYAG NA SPORTSCASTER, PUMANAW NA

Pumanaw na ang veteran sportscaster at Association of Boxing Alliances President (ABAP) na si Edgar “Ed” E. Picson dahil sa komplikasyon sa liver cancer ngayong araw, Wednesday, April 19.

Sa isang tweet ni Qunito Henson, inanunsyo nito ang pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at isa sa mga nakasama nito sa loob ng maraming taon bilang bahagi ng broadcast team ng Philippine Baketball Association (PBA).

Si Picson ay nagsilbi bilang ABAP secretary-general sa loob ng ilang taon. Sa ilalim din ng pamumuno ni  Picson nang makakuha ang bansa ng dalawang silver at isang bronze sa Tokyo Olympics boxing na nanggaling kina Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at Eumir Marcial.

isa sa kanyang mga mahal na kaibigan na si Bill Velasco ay nagbigay pugay sa kanyang mga sandali pagkatapos ng kanyang pagpanaw.

“Lost another old friend today. Farewell, Ed Picson, my colleague from Vintage Enterprises in the early 1990’s. You were always articulate, level-headed and spoke your mind. A great sportscaster, voice talent and boxing official. God bless you, kind sir.” Saad ni Velasco sa isang facebook post.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x