TIM CONE, DISMAYADO SA GAME 2

Hindi na nagawan ng paraan ng Barangay Ginebra San Miguel na manumbalik at iuwi ang panalo kontra Talk n Text Tropang Giga kahapon sa Game 2 ng PBA Governors’ Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Barangay Ginebra head coach Tim Cone, hindi nila na-execute ang gusto nilang plano kung kaya’t naging dahilan ito ng kanilang pagkatalo.

“Well not much to say they’ve flipped the script on us and they did everything they wanted to do, we didn’t get anything done that we wanted to do. It was a total turnaround and so now it’s 1-1” saad ni Cone.

Nais naman ni Cone na manumbalik ang disiplina sa kanyang mga players sa susunod nilang laban.

“We gotta play with a little more discipline and come out with a little bit more fire than we did today” dagdag na sinabi ni Tim Cone.

Natapos ang laro sa score na 95-82 sa pangunguna ng import ng TNT na si Rondae Hollis-Jefferson na nakagawa ng 23 points at 19 rebounds.

Nanguna para sa Ginebra si Christian Stanhardinger na nakapagtala ng 29 points at 11 rebounds.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x