Isang tindera sa Cebu ang nagbigay ng karagdagang motibasyon para sa mga estudyante ng Bartolome at Manuela Pañares Memorial National High School.
Alok ni Nanay Livy Gedoria, libreng snack sa mga estudyante na makakakuha ng perfect score sa kanilang exams.
Viral ngayon ang naging gawain ni Nanay Livy dahil sa nakakatuwang placard ng nasabing insentib nito.
“FREE SNACKS for the first 20 EXAM PERFECT SCORES, CHOICES: 1 pc toron or juice + solut, juce + sinudlan,” ang nakasulat sa placard ni Nanay Livy na tubong Barili, Cebu.
Ayon sa anak ni Nanay Livy na si Jessiel, “Nanay” ang tawag din sa kaniyang ina ng mga estudyante sa kanilang lugar.Sa ngayon ay isa-isa nang nagpupunta ang mga estudyanteng nakakuha ng perfect score sa tindahan ni Nanay Livy.