TUGADE UMALIS NA SA LTO; SUSUNOD NA HEPE, MAGING ALISTO

“Nagpahirap sa mahihirap, lumayas na!”       

Sa totoo lang, walang nagulat sa paglayas kahapon ni Atty. Jay Arturo Tugade bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO).

Marami pa ngang mahihirap ang natuwa dahil para sa kanila, wala na ‘yung taong nagpahirap sa kanila sa mga proseso sa LTO.

Saan ka naman nakakita, hepe ng ahensya pero tutulog-tulog sa pansitan. Saksakan ng kapabayaan, kapalpakan at katiwalian ang kaniyang bakuran. 

Walang plastic card para sa driver’s license, anti-poor na proseso sa pagkuha ng lisensya ng mga first time applicant, at andaming mga gunggong na mga traffic enforcer.

Pati si Senator ‘Tol Raffy Tulfo, nasilip ang anti-poor na proseso sa LTO. Tinalakay ko rin ito sa BITAG Live at nag-Top 3 most viewed video sa BITAG Official YouTube Channel.    


Marami pang mga kalokohan sa LTO na nahulog sa BITAG. ‘Kakahiya! Kumpleto ang files namin sa aming YouTube channel panoorin nyo nalang.

O, kayo dyan sa LTO, wala na yung palpakis na hepe ninyo. Umpisahan nyo na ang pagbabago.At kung sinumang talpulanong iuupo dyan, kami sa BITAG magbabantay lang. Maging ‘listo at ‘alerto ka para ‘yung mga tao mo hindi ka iiputan sa bumbunan!

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x