TULFO DISMAYADO SA PNP; KULANG SA INTEL REPORT

Hindi napigilan ilabas ni Senator Raffy Tulfo ang pagkadismaya sa nangyari pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa paghain ng Senate Resolution No. 517 kung saan kinokondena ng mga senador ang political killings, sinabi ni Tulfo na napigilan sana ang karumaldumal na pagpatay sa gobernador kung hindi nagkulang sa intelligence report ang mga awtoridad.

“Matagal nang nakakatanggap ng death threat si Governor Degamo, kung siya ay nakakatanggap ng death threat dapat binigyan siya ng maayos na seguridad.”

Nagpaabot din ng pakikiramay si Sen. Tulfo sa mga naulila ng gobernador at nagpasalamat sa mga pulis dahil sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Gayunpaman, binigyan diin ng senador na kung meron sana police presence sa bahay ng gobernador, naprotektahan sana ang opisyal at mga inosenteng sibilyan.

“Paulit ulit na nangyayari ito in the past few days, sunod sunod ang pag assassinate sa mga taong gobyerno, alam ng mga kinauukulan kung sino ang mga suspek. Itong nangyari ngayon kay Gov. Degamo alam na alam ng lahat pati ang pusang kalye alam kung sino suspek pero bakit wala pa din ginagawa ang awtoridad.

Umaasa si Tulfo na gagawin ang lahat Philippine National Police (PNP) upang mapaamin ang mga nahuling suspek at sabihin kung sino ang mastermind.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x