UMIINIT PA ANG MUNDO

Naitala sa ikalawang sunod na araw ang pinakamainit na temperatura sa buong mundo.

Base sa data ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) sa United States, nagtala ng average daily air temperature ang mundo sa 17.18 degrees Celsius (62.92 Fahrenheit).

Isang araw bago ito ay umakyat sa kauna-unahang pagkakataon ang temperature sa 17 degrees Celsius.

Ang nakaraang daily record ay umabot ng 16.92 Celsius noong July 24, 2022.

Ang mga datos ay galing sa National Centers for Environmental Prediction, isang organisasyon na attached sa NOAA.May average na 16.2 degrees ang naitatalang temperatura ng mundo base sa isinagawang data na simimulan noong July 1979.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x