“UMPISA NA ANG MALILIGAYANG ARAW”

NAGPIPISTA na ang iba dyan, palihim na nakangiti at tila naghihintay lang ng tamang panahon para lumutang. 

“We do not need to threaten criminals,” ito ang sagot ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa pahayag ni Sen. Bato Dela Rosa na kulang umano sa asim (o angas) ang Philippine National Police.

Umiinit na ang isyu ng pagtaas diumano ng mga kaso ng kidnapping sa Pilipinas. Ang mga sangkot at mismong suspek, umano’y Chinese Nationals. 

Mga boss, matagal na ang BITAG sa larangan ng public service at kilala rin kami bilang anti-crime advocate.

Kaya kagaya ng publiko I have to disagree-agreeably sa naging pahayag ni PNP Chief.  With all due respect sa ating mga kapulisan, iba ang aking interpretasyon sa naging pahayag ni Chief PNP.  

May sariling lenggwahe ang mga kriminal, may sariling mundo at may sarili silang patakaran o code – hindi code of ethics dahil wala sila noon! 

Kaya hindi dapat binabalewala o isinasawalang bahala o ini-easy easy lang ang mga salot sa lipunan na kriminal na ito. 

Walang mabait na kriminal, iyan ang katotohanan na dapat tandaan ng publiko at ng ating mga kapulisan.   

Importante ang papel ng kapulisan sa pagsugpo ng mga krimen,  ika nga – “To Serve and Protect” 

Paalala lang, Pro-law enforces ang BITAG. Marami na kaming nakasama’t nakatrabahong pulis, maa-angas pero nasa tama at nasa lugar – kumikilos nang naaayon sa batas. 

Tama si Sen. Bato, “kulang sa asim” o angas kung ako ang tatanungin. Sa aking pananaw, you need toughness to uphold the law. 

Hindi ko sinasabi na barilin at patayin agad ang mga kriminal, may karapatan pa rin sila pero ‘wag naman sana umabot sa punto na mabait o magaan tayo sa mga kriminal. 

Chief, with all due respect, I think we should be careful with the narratives; some might misinterpret this as a sign of weakness. 

Tandaan, BITAG supports the police! Kapag nagkamali, pinupuna. Kapag naman gumawa ng tama, pinupuri.  

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x