Pinirmaha na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang isang batas na magbubura sa kung ano man utang mayroon ang mga magsasaka na mga beneficiaries ng Agrarian Reform.
Aabot sa 610,054 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang magiging ganap nang may-ari ng lupang bigay sa kanila ng pamahalaan matapos pirmahan ni Marcos ang New Agrarian Reform Emancipation Act Biyernes (July 7).
Sa kanyang talumpati, hinikayat ni PBBM ang mga ARB na paunlarin ang kanilang lupang sakahan at siniguro ang suporta ng pamahalaan sa kanila at kanilang pamilya sa pamamagitan ng mabilis na paggawad ng titulo, credit facilities, support services at infrastructure development.
“Ituloy natin ang repormang agraryo hindi lamang sa pamimigay ng lupa at sa mga magsasakang hanggang ngayon ay wala pa ring lupa, kung hindi upang tuluyan na sila ay palayain mula sa pagkakautang na pumipigil sa ganap na pagmamay-ari sa lupang pagbibigay sa kanila ng pamahalaan,” ayon kay Marcos sa kaniyang statement.Inaasahan naman ni Marcos na magdudulot ito ng mas magandang ani ng mga produktong agrikultura sa bansa.