Isang linggo makakaranas ng mainit at maalinsangan panahon ang Metro Manila, ayon sa forecast ng PAGASA.
Mula 33 hanggang 34 degrees Celsius na temperatura ang posibleng maramdaman, mula ngayong araw, Marso 20 hanggang 26. Mababa din ang tsansa na umulan.
Asahan naman ang mga localized thunderstorm sa mga bahagi ng Visayas at Mindanao sa buong linggo.
Samantala, sasabay sa mainit na panahon ang kawalan ng tubig matapos mag-anunsyo ang Maynilad Water Services Inc.
Apektado ang mga consumers ng Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, gayundin ang mga lugar sa Bacoor City. Cavite City, Imus City, Noveleta at Rosario sa Cavite.
Nagsimula ang water interruption noong March 17, na magtatapos bukas, March 21.
Dagdag pa ng Maynilad, ang mataas raw water turbidity na dala ng hanging Amihan ang dahilan ng water service interruption.