Posibleng tigil operasyon muna ang Philippine National Railways (PNR) simula buwan ng Mayo upang magbigay daan sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) project.
Ayon kay PNR General Manager Jeremy Regino, una nilang ititigil ang biyaheng Alabang sa Muntinlupa City, patungong Calamba City sa Laguna. Pagdating naman ng Oktubre ititigil na rin ang operasyon mula Tutuban, Manila hanggang Alabang, Muntinlupa. Aabutin ng limang taon ang NSCR project na magdudugtong sa Metro Manila hanggang Laguna.
Sinabi rin ni Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez na ang dahilan ng pagsuspinde ng byahe ng PNR ay para maging ligtas, maginhawa at mabilis na matapos ang proyekto.
“Ang tingin ko mga limang taon. Pero pagkatapos ng limang taon, limang taon mula ngayon, may substantial completion na tayo. Mas maayos na at maginhawa ang sasakyan nila,” saad ni Chavez.
Inaasahang nasa 30,000 na pasahero ng PNR ang maaapektuhan dahil sa tigil operasyon na mangyayari mayo.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.