3 EVACUEES SA MAYON VOLCANO TINAMAAN NG COVID

Tatlong mga evacuees na ng Mayon Volcano ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa isang panayam sa radio, sinabi ni Eugene Escobar ng Albay Public Safety and Management Office (APSEMO) na agad na-isolate ang tatlo at lahat ng close contacts ng mga ito.

Walang kritikal sa tatlong COVID patients ngunit patuloy ang pagmonitor at pagbibigay ng gamot sa kanila.

Abot naman sa 2,242 na mga evacuees ang humingi ng medical consultation para sa ubo, lagnat, sore throat, sugat, high blood at iba pang mga karamdaman. Ito ay base sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Doon po sa health surveillance, nakita po na isa sa pinakamataas na bilang ay yung mga sipon, ubo, o yung mga respiratory-related illnesses, again expected to natin ito dahil po sa mainit po pero umuulan pa rin dito sa amin, naka-expose din po sila sa environment,” ani Escobar. “Although nasa loob po sila ng mga building, medyo mainit din po kaya isa yun sa dahilan po.”

Aminado si Escobat na ang masamang ventilation sa evacuation centers ang nagdudulot ng sakit sa mga evacuees.

Kaya naman paspas ang mga awtoridad sa pagpapadala ng tubig sa mga evacuation centers.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x