PAGTAAS NG ALERT LEVEL NG MAYON MALABO PA

Malabo pa na itaas ang Alert Level ng Mayon Volcano sa ngayon.

Ito ang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa latest update na inilabas nito.

Ayon kay Phivolcs officer-in-charge Teresito Bacolcol, maraming mga parameters ang dapat ikunsidera bago itaas ang alert level ng isang bulkan.

Kapag dumadami po iyong earthquake na naitala natin, kapag nagkakaroon na po ng lava fountaining, dumadami iyong rock fall events natin, dumadami iyong pyroclastic density current events, iyon po ang mga indikasyon na itataas natin to Alert Level 4. Pero so far, hindi pa po natin nakikita iyan ngayon,” ani Bacolcol.

Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang Mayon Volcano.

Lumabas din sa Phivolcs report na patuloy ang pamamaga ng bulkan.Pinapaalalahanan pa din ng awtoridad ang lahat na lumayo sa six-kilometer permanent danger zone dahil na din sa laki ng posibilidad na magkaroon ng landlsides, lava flows at mahihina hanggang sa katamtamang pagsabog.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x