42-YEAR-OLD JANITRESS NAGTAPOS NG KINDER

Hindi naging hadlang ang edad kay Nanay Remilyn Dimla na magtapos ng Kinder sa edad na 42 years old.

Isang janitress si Nanay Remilyn sa Tuguegarao East Central School (TECS) sa Tuguegarao City, Cagayan province kung saan Grade 1 student naman ang kaniyang anak. 

Dahil nahihirapan itong sumulat sa tuwing may requirement ang kaniyang anak, pinayuhan ng mga school officials si Aling Remilyn na mag-enroll sa kanilang eskwelahan. 

Sinunod ni Aling Remilyn ang payo sa kaniya at nag-enroll ng Kindergarten sa naturang eskwelahan.

Hindi kinakitaan ng pagka-ilang si Aling Remily. Bagkus, naging tila Tita pa nito ang kaniyang mga ka-eskwela.

Dinaan sa tiyaga kaya ngayong July, makukuha na ni Aling Remilyn ang kaniyang moving up certificate para maging Grade 1.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x