Mabagal ngunit tuloy-tuloy ang aktibidades ng Mayon Volcano ngayong Martes, June 20.
Sa latest report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang isang volcanic earthquake at 301 rockfall events.
“Mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5km sa Mi-isi Gully at 1.8km sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3km,” ayon sa latest report ng Phivolcs.
Lumabas din sa Phivolcs report na patuloy ang pamamaga ng bulkan na ngayon ay nasa Alert Level 3.Pinapaalalahanan pa din ng awtoridad ang lahat na lumayo sa six-kilometer permanent danger zone dahil na din sa laki ng posibilidad na magkaroon ng landlsides, lava flows at mahihina hanggang sa katamtamang pagsabog.