8 ARESTADO SA ILIGAL NA PAGAWAAN NG PAPUTOK

Inaresto ng Bocaue Police Station ang walong katao kabilang ang operator ng factory matapos maaktuhang gumagawa ng iligal na paputok sa isang residential area sa Brgy. Binang 1st, Bocaue Bulacan noong Miyerkules, Nob 9.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Acting Director ng Bulacan Provincial Police Office (PPO) ang mga nadakip na sina Orlando Dela Cruz, may-ari ng pagawaan ng paputok, at mga tauhan nitong sina Christian Abubo, Darell Prajes, Bladimir Salde, Rodel Alegria, John Kevin Alegria, Jojo Parrocha, at Arnel Abubo.

Walang naipakitang ligal na dokumento at permit si De la Cruz sa kanilang operasyon. 

Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng paputok na kinabibilangan ng 73 pirasong ‘Pagoding’, 106 na ‘Rambo Pagoda’, 92 na ‘2-layer Pagoda’, 106 ‘full RC close Pagoda’, 40 na ‘1-layer Pagoda’, 50 na ‘3-layer Pagoda’, at 28 pirasong ‘4-layer Pagoda’ na may kabuuang halaga na P200,000.

Sasampahan ng kasong pag­labag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang mga nahuli.