Patay ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army (PA) matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation sa Sitio Quisape, Barangay Maguiron, Guinobatan, Albay noong Miyerkules, Nobyembre 9.
Ayon sa ult, nasa Regional Watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang suspek na kinilalang si CPL. Aaron Magbuhat, kasapi ng 9th Infantry Division.
Si Magbuhat at pinaghihinalaang distributor ng illegal na droga sa lugar.
Habang isinasagawa ang buy-bust operation, nakatunog umano ang suspek kaya bumunot ng baril at nakipagbarilan sa mga operatiba.
Patay si Magbuhat matapos tamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Narekober sa napatay na suspek ang isang service fire arm na kalibre .45, pampasabog at dalawang gramo ng shabu na may market value na P13,600.