BANGKAY NI LOLA NATAGPUAN SA STORAGE BOX; ANAK, SUSPEK

Isang bangkay ng 67-anyos na matandang babae ang natagpuan sa loob ng sa isang storage box na itinapon sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na suspek sa nangyaring krimen ang 28-anyos na lalaking anak ng biktima.

Base sa ulat, hinataw ng suspek sa ulo ang kanyang ina gamit ang kahoy sa kanilang tahanan sa Barangay Villalamok, Pasig City noong March 4.

March 6 nang mamataan sa CCTV ang suspek na hinihila ang isang storage box palabas ng kanilang bahay.

Marso 11 naman ng madiskubre ng mga tanod sa Barangay Matictic ang labi ng biktima  na nakasilid sa puting storage box matapos i-report ng isang residente ang masangsang na amoy sa kanilang lugar.

Ayon sa isinagawang autopsy, blunt head trauma ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Kasalukuyang hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) angimbestigasyon sa  kaso kung saan sinabi nila na saksi ang 6-anyos na anak ng suspek sa nangyaring krimen. 

Inaalam pa rin ng awtoridad kung ano ang motibo sa papamaslang.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x