BANGKAY NG MGA BIKTIMA SA CESSNA PLANE, NAIBABA NA

Naibaba na kahapon, March 12, ang mga bangkay sa nag crash na Cessna Plane sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Ditarum, Divilacan, Isabela.

Hinihintay nalang na bumuti ang kalagayan ng panahaon upang ma-transport ng Philippine Air Force ang mga bangkay patungong Cauayan.

“As of 12:54 p.m. today, all bodies of the pilot and passengers have arrived at Divilacan proper. The Air Force is waiting for a break in the weather to deploy a chopper to transport said bodies to Cauayan,”  saad ng Isabela PIO.

Sinabi naman ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC  head na si Constante Forando Jr. na kapag nakuha na ang mga bangkay sa Divilican ay dadalhin na sila sa Cauayan City kung saan naghihintay ang mga kaanak ng mga biktima.

Matatandaang nawala noong January 24 ang Cessna Plane na nag take-off sa Cauayan City patungo sa bayan ng Maconacon ngunit hindi ito nakarating.

Natagpuan lang ito noong March 9 pagkatapos ng mahigit na isang buwang paghahanap.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x