BARBERO NAG-SIDE HUSTLE SA DROGA, ARESTADO

Isang barbero ang naaresto ng Valencia City Police Station – City Drug Enforcement Unit (CDEU) matapos magbenta ng hinihinalang “shabu” sa mga parak alas-11:30 umaga noong January 9, 2023.

Kinilala ang suspek na si Ryan Rey Blangan, alias “Tin-Tin” “Kim-Kim”, 26 years old, barbero, residente ng Poblacion, Kalilangan, Bukidnon.

Ayon kay Lt Col. Edward Agpalza, Officer-in-Charge, matagal na nilang minamanman ang kilos at galaw ng suspek at ikinasa ang buy bust operation.

Nakumpiska sa kanya ang apat (4) na plastic sachet na hinihinalang shabu na tumitimbang na 0.29 na gramo at may standard drug price Php 2,000. Kasama din nakumpiska ang P500 bill na marked money, (1) pc black/brown leather coin purse at (1) unit keypad cellphone.

Kasong Violation ng RA 9165 ang kakaharapin ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa Valencia City Police Station.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x