BAWANG PAPALO NA RIN SA P400 KADA KILO


Pagkatapos ng Sibuyas…
BAWANG PAPALO NA RIN SA P400 KADA KILO

Hindi pa man bumababa ang presyo ng sibuyas sa merkado, nakatakda namang sumunod nang magmamahal ang bawang. 

Kahit wala kasing shortage o kakulangan sa suplay ng bawang, ang presyuhan sa mga pamilihan sa Metro Manila pumalo na sa P400 na kada kilo. 

Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary Rex Estoperez, maliit na porsyento o 4% lang ang naipo-produce na bawang ng mga local farmer at mas pinipili ng mga konsyumer ang imported at malalaking bulb o piraso ng bawang. 

“We don’t have a shortage of garlic. We have a small supply of local garlic, a small supply as the preference of our consumers is the big [imported] garlic.”

Sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), nasa 45,656 metric tons ang produksyon ng lokal na bawang noong 2022 kumpara sa 93,951 metric tons ng imported na bawang.

Sinubukan na rin daw ng mga magsasaka na itanim ang mga binhi ng mga imported na bawang, subalit hindi ito lumago dahil hindi ito naka-kondisyon sa klima ng Pinas. 

Dagdag pa ni Estoperez, karamihan sa mga magsasaka ng bawang lumipat na sa pagtatanim ng sibuyas.

“We will tackle if we need to produce more local garlic or will just depend on importation,” ani Estoperez.

Samantala, nanatiling mataas pa rin ang presyo ng sibuyas kahit na dumating na ang 3,500 metric tons na imported na sibuyas.

Naglalaro sa P180 hanggang P250 kada kilo ang retail na presyo ng mga imported na sibuyas at P170 hanggang P330 naman kada kilo ang lokal onion. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x