Kinasuhan na ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang importers matapos umano silang nagtangkang magpuslit ng mga undeclared at misdeclared agricultural products.
Sinampahan ng 20 counts large-scale agricultural smuggling ang Victory JM Enterprise at Asterzenmed Inc. dahil sa paglabag nito sa sa Food Safety Act of 2013 (Republic Act 10611) at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (RA 10845).
Ang mga kaso ay batay sa magkakasunod na inspeksyon noong Disyembre 19, 2022 hanggang January 9, 2023.
Humigit-kumulang P397.97 milyong halaga ng nasamsam na mga produktong pang-agrikultura ang misdeclared, misclassified at walang sanitary at phytosanitary import clearances.
Sinabi ng DA, na sa 57 shipping containers na ininspeksyon, 37 ay naka-consign sa Asterzenmed Inc. habang ang 20 ay sa Victory JM Enterprise.
Ilan sa mga nilalaman nito mga misdeclared products gaya ng red at white onions, frozen mackerel, frozen buffalo meat at frozen round scad (galunggong) na galing China at Hong Kong.
Samantala, Isinusulong sa kamara ang pagtatatag ng Philippine Onion Research Institute sa bansa upang matugunan ang problema sa supply ng sibuyas.
Planong pagsamahin ng Technical Working Group ang House Bill 1379 na isinusulong ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing at HB 3110 ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara (3rd District) na parehong isinusulong ang pagkakaroon research and development para sa sibuyas.
“The Philippines, with all its farming background and setting can easily turn into a respectable onion producing country,” pahayag ni Rep. Suansing.