FAJARDO HINDI MAKAKALARO SA 5th WINDOW QUALIFIERS NG FIBA

Hindi makakalaro sa 5th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ang star player ng San Miguel Beermen na si June Mar Fajardo.

Kasalukuyan kasi itong nagpapagaling sa isang operasyon matapos masiko siya sa lalamunan ng import ng Rain or Shine Elasto Painter na si Steve Taylor Jr.

Apat na linggo raw ang kakailanganing pahinga ni Fajardo matapos ang isinagawang operasyon, ayon sa kanyang doktor.

Samantala, lumipad na kagabi patungong Amman, Jordan ang Gilas para sa nalalapit na 5th window qualifying game.

Nakatakdang lumaro ang Gilas Pilipinas laban sa Jordan sa Nov. 10 at kontra naman sa Saudi Arabia sa Nov. 13.

Sa Kasalukuyan, may 3-3 kartada na ang Gilas sa kanilang kampanya sa FIBA Asian Qualifier.

Ganumpaman, bilang main host, garantisadong pasok na ang Pilipinas sa World Cup na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Agosto 2023.