Foreign recruitment agency accreditation sa Kuwait, tigil muna

Sinuspinde muna ng Department of Migrant Workers (DMW) ang accreditation ng mga bagong foreign recruitment agencies (FRAs) sa Kuwait kasunod ng brutal na pagpatay sa Pinay domestic helper na si Jullebee Ranara.

Kinumpirma ito kahapon ni Migrant Workers Spokesperson Toby Nebrida kaalinsunod ng pagpapatupad ng ahensya ng mga bagong regulasyon para sa mga FRA.

Sa isang advisory, inihayag naman ni Kuwait-based Migrant Workers Office (MWO) officer-in-charge na si Catherine Duladul na nirerepaso nila ang mga kasalukuyang accredited foreign recruitment agencies (FRAs) sa naturang bansa pati na ang paraan ng pagpo-proseso ng accreditation, job orders at kontrata.  

Nilinaw din ni Duladul na tanging ang mga dayuhang recruitment agency na may malinis na rekord lang ang pinahihintulutang magsumite ng mga aplikasyon para sa pagproseso.

Sa ilalim ng bagong regulasyon, ang pagpoproseso ng mga  individual employment contracts ay limitado lang sa 20 bawat linggo para sa bawat FRA. Kinakailangan din muna nilang makakuha ng clearance sa opisina ng DMW bago magsumite at magproseso ng mga karagdagang job order. Maliban dito, obligado na rin silang magsagawang monthly monitoring report sa kanilang mga naka-deploy na manggagawa.

Matatandaang isinisi ni Senator Raffy Tulfo ang problema sa ilang mga FRA sa kawalan nila ng aksyon sa mga problema ng mga kababayan natin sa Kuwait. Hiningi din ng senador sa DMW ang kanilang mga listahan para matukoy ang mga matitinong foreign agency at ang mga walang kakayahang tumulong sa mga OFW. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x