MENTAL HEALTH CONDITION NG MGA ESTUDYANTE, NAKAKABAHALA

Ikinabahala ng Senado at ng Department of Education (DEPED) ang nakakaalarmang kondisyon ng mental health ng mga estudyante sa basic education.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education and Culture kahapon, sinabi ng opisyal ng DepEd na labis naka apekto sa mga estudyante ang sitwasyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Batay sa datos, sinabi ni DepEd Assistant Secretary Dexter Galban na nitong School Year 2021-2022, nakapagtala sila ng 404 na suicide cases sa mga estudyante. Samantala, 2,147 na mag-aaral naman ang nagtangkang magpakamatay dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Naitala rin ng DepEd ang 775,962 learners na nagpasaklolo sa mga guidance counselor  na katumbas ng 2.85 percent ng total population ng basic education students.

At least in 2021, the total number of suicide cases recorded, and again, this is something that we should look into, is 404. I believe that even one suicide case is too much, and that’s why we are very much in support of the bill,” ani Galban.

Ayon kay Senator Win Gatchalian, author ng Senate Bill 379 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, nakakabahala ang bilang ng mga suicide cases sa mga estudyanteng. Ang problema, kulang  ang mental health programs at mental health experts sa bansa. 

Sinabi rin ng DepEd na kailangang tugunan ang isyu pagdating sa sweldo ng mga guidance counselors.

Kaugnay ng isyung ito, nagbabala naman ang Commission on Human Rights (CHR) sa naging apela ng Philippine National Police na payagan ang mga pulis na pumasok sa loob ng eskwela bilang paraan upang maiwasan ang krimen.

Sa isang department order kasi ng DepEd na inilabas noong 2021, hindi na hinihikayat ang presensya ng mga armadong pulis sa mga paaralan.

Sa isang press briefing kamakailan, sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. hinikayat niya ang mga public at private schools na payagan papasukin ang mga pulis sa loob ng campus.

Nag-utos na din si Azurin sa mga police commander na makipag-ugnayan sa mga paaralan sa kanilang mga lugar upang talakayin ang seguridad sa mga paaralan.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x