Panalo ang Pilipinas kontra Jordan, 74-66 sa 5th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kaninang madaling araw, Biyernes Nob. 11 (Manila time).
Pinangunahan ni Kai Sotto ang Gilas na may 16 points, 7 rebounds at 2 blocks.
Sinundan ito ni Bobby Ray Parks na may 13 points na nagpaulan ng long stretch threes sa laban.
Nagpakitang gilas din si Scottie Thompson na halos nagkamit ng triple-double na 8 points 13 rebounds at 8 assists.
Samantala, nanguna naman para sa kumponan ng Jordan ang kanilang naturalized player na si Dar Tucker na nag-ambag ng 23 points; pumangalawa sa top scorer si Al Dwairi,18 points.
May baon nang 4-3 kartada ang Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup, habang ang Jordan ay may 3-4 record.
Sunod na makakapukpukan ng Gilas sa harcourt ang koponan ng Saudi Arabia sa Nob. 14. (Manila time)
SCORE CARD:
Philippines (74) – Sotto 16, Parks 13, Perez 11, Thompson 8, Pogoy 7, Ramos 5, Aguilar 5, Erram 4, Malonzo 3, Kouame 2, Oftana 0.
Jordan (66) – Tucker 23, Al Dwairi 18, Bzai 9, H. Abbas 7, Ibrahim 6, Alhendi 3, ALhamarsheh 0, Z. Abbas 0, Hussein 0, Kanaan 0, Alnajdawi 0.
Quarters: 21-20, 37-41, 58-51, 74-66