Muling sasabak sa laban ang Pinoy MMA fighter na si Eduard “Landslide” Folayang.
Kasama ang Pinoy mix martial artist sa lineup ng ONE Fight Night 5 na itatampok ang bakbakang De Ridder Vs. Malykhin na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa December 3.
Makakalaban ng Team Lakay veteran ang Brazilian striker na si Edson “Panico” Marques sa
pagbabalik ng One Championships sa Pilipinas makalipas ang halos tatlong taon.
“Of course I’m happy. I feel honored being put on the forefront of a card that will air live in US
prime time through Prime Video, being one of the few Filipinos in that card,” Wika ni Folayang.
“It’s such a huge motivating factor for me because our trajectory is heading west, and I’d love to
entertain our fans over there and make new ones,” giit nito.
Sunod-sunod ang talo ni Folayang sa huli nitong apat na laban kontra kina Pieter Buist, Tony Caruso, Shiya Aoki at Zhang Lipeng
Huling panalo nito nang makatapat ang Muay Thai legend na si John Wayne Parr
noong Marso sa One X fight.
Sa kasalukuyan, may 22-12 (won-loss) record si Folayang.
Makakasabay ni Folayang sa laban sa December 3 stablemate na si Joshua Pacio na lalaban naman kontra kay Jarred Brooks ng Amerika. Si Pacio ang may hawak ng One Strawweight Title.