Libo-libong tao ang dumagsa sa Funeral Mass ni Governor Roel Degamo sa St. Vincent Parish Church sa Siaton, Negros Oriental ngayon March 16, 2023.
Sa homily, hiniling ni Diocese of Dumaguete Bishop Julito Cortes na matigil na ang karahasan sa kanilang lalawigan.
Nanawagan din siya ng katarungan sa lahat ng mga naging biktima sa pamamaslang.
Nasawi si Gov. Degamo noong March 4, 2023 matapos pagbabarilin ng anim na suspek sa Barangay Isidro, Pamplona
Bukod kay Degamo, walo pa ang nasawi sa insidente at nag-iwan ng 16 na sugatan.
Hawak na din ng National Bureau of Investigation ang apat na suspek sa krimen at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon.