SANHI NG FOREST FIRE SA BAGUIO AT BENGUET HINDI PA DIN TUKOY

Palaisipan sa pa din sa Bureau of Fire and Protection ang sanhi ng sunod-sunod na pagkasunog ng kagubatan o forest fire sa Baguio City at Benguet.

Nangyari ang mga serye ng sunog mula Marso 4 hanggang 12, 2023.

Unang iniulat ang forest fire noong Marso 4 sa Sitio Camp 6 at 4 sa Tuba, Benguet.

March 7 magkasunod na tinupok ng apoy ang kagubatan sa Dontogan Green Valley at likod ng Philippine Military Academy Headquarters sa Baguio City

Nagkasunog din sa paanan ng bundok ng Mt. Sto. Tomas sa Tuba Benguet sa Camp 7.

At noong March 12, dalawang forest fire ang naiulat muli sa Tuba Benguet sa Camp 4 hanggang Camp 6 sa Kennon Road at sa Poyopoy Taloy Sur.

Kasalukuyan pa din iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x