Nasa halos 4,000 na ang pamilya ang naapektuhan nan g nag-aalborotong Mayon Volcano.
Ito ang lumabas sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Sa nasabing bilang, 3,701 families o 13,179 individuals ay nasa pangangalaga ng 21 evacuation centers habang ang iba ay kaniya-kaniyang hanap ng matutuluyan na kamag-anakan o kaibigan.
Aabot sa PHP25.6 million na halaga ng assistance ang naipamigay na sa Bicol Region na binubuo ng “dinner, distilled water in six liter bottles, family food packs, family tents, hot meals, hygiene kits, modular tents, rice, sleeping kits,” at iba pang mga items.
Ayon naman sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kanilang naobserbahan ang mabagal na paglabas ng lava mula sa summit crater ng Mayon at nagtala ng isang volcanic earthquake. May naitala din na 221 rockfall events at isang pyroclastic density current event.