Burado na sa finals ng 2022 FIFA World Cup ang koponan ng Qatar na tumatayong host country ng torneyo.
Kasunod ito ng katatapos na 1-1 draw ng laban ng the Netherlands at Ecuador sa Group A classification ng football tournament.
Nauna ng tinalo ng Senegal ang Qatar sa iskor na 3-1 nitong Biyernes ng gabi.
Magugunitang noong unang match ng Qatar, tinalo din sila sa opening round ng koponan ng Ecuador sa iskor na 2-0.
Dahil natapos sa draw match ang Netherlands at Ecuador, sarado na ang pintuan sa Qatar na umabante sa susunod na round.
Ang 2022 FIFA World Cup ay kasalukuyang ginaganap sa bansang Qatar mula November 20 hanggang December 18.