Pinatunayan ni LeBron James na may asim pa siya sa hardcourt matapos buhatin ang kanyang koponan na Los Angeles Lakers kontra sa matagal nang karibal na San Antonio Spurs, sa kanilang paghaharap sa AT&T Center sa Los Angeles California.
Itinaob ng Lakers ang San Antonio sa iskot na 143-138.
Kumamada si LeBron ng season-high 39 points, 11 rebounds, at astonishing 10-for-10 sa kanyang charity shots.
Galing sa lay-off si LeBron dahil sa injury bago ang laro nila sa Spurs kaya halata ang gigil niya sa hardcourt.
Bukod kay ‘Bron, kumamada rin ng 21 points si Dennis Schroder; 19 points si Lonnie Walker; at 11 points ang ambag ni Westbrook.
Nananatiling nasa bottom phase ng NBA Western Conference ang Los Angeles Lakers sa kartadang 7-11 (win-loss) record.