KAPABAYAAN AT KORAPSYON SA MENTAL HOSPITAL NAIS GISAHIN SA SENADO

Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on health matapos matuklasan ang hindi makataong pagtrato sa mga pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH).

Inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Resolution 562 na naglalayong imbestigahan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga pasyente sa NCMH sa Mandaluyong City.

Sinabi ni Sen. Tulfo na kailangan bumuo ng mga polisiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente at masiguro na makakatanggap sila ng tamang mental health care service. 

Nais din niyang tingnan ang napaulat na posibleng katiwalian sa pamamahala ng NCMH.

Kamakailan,  nagsagawa ng surprise ocular inspection si Tulfo sa nasabing ospital matapos makatanggap ng isang tip dahil sa hindi makatarungan ang trato sa mga pasyente.

Halos bumaliktad daw ang sikmura ng senador dahil sa sobrang baho nang bisitahin niya ang Pavilion 8 o Female Ward. Amoy mula sa pinaghalong dumi at ihi ng mga pasyente gayundin ang imburnal sa labas ng ward na puno ng basura.

Binisita din niya ang Pavilion 4 o Forensic Ward kung saan nananatili ang mga pasyenteng nagkasala sa batas na ipina-komit ng korte.

Nagsisiksikan sa nasabing ward ang mahigit limampung mga pasyente sa isang kwarto na may kapasidad para sampung tao lamang. Walang ventilation sa naturang kwarto maliban sa dalawang ceiling fan at umaalingasaw ang amoy ng pawis.

Nagbigay ng suhestiyon si Sen. Tulfo, na dapat maglagay ng mga humidifier, mag install ng mga automatic round the clock disinfectant spray machine, at two times a day na paglilinis sa mga ward na sinang-ayunan naman ng chief.

Sa huli binigyang-diin ni Tulfo na kailangan panagutin ang mga responsable sa katiwalian, kapabayaan sa nasabing ospital.

Kailangan din na gamitin ang budget na inilaan ng gobyerno para sa NCMH upang mapabuti ang kalidad ng pangangalaga at suporta sa mga pasyente.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x