Dagdag sahod at hindi pagbabago ng kurikulum ang kailangan ng mga Filipino nurses upang matugunan ang nurse shortage sa bansa.
Ayon sa Filipino Nurses United (FNU), hindi aniya kritikal na isyu ang edukasyon at pagsasanay ng nurses, sa kasalukuyang kalagayan ng Philippine health human resources, kailangan aniya naka-focus sa “recruitment and retention,”
Maraming umano sa mga nurse ay “overworked at underpaid”, kaya napipilitan ang mga ito na magtrabaho sa ibang bansa.
Kamakailan sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang pagkabahala sa kakulangan ng nurse sa bansa.
Iminungkahi naman ng Commission on Higher Education (CHED) ang isang kurikulum na mag-aalok sa mga nursing students ng maagang credentials pagkatapos ng isa o dalawang taon.
Kinontra naman ito ng FNU. Dapat aniya na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang manguna sa isyu na ito at mapataas ang entry salary ng mga nurse sa P50,000.
Gayundin ang Department of Health upang matugunan naman ang understaffing at unsafe nurse-to-patient ratio sa bansa.
Ayon sa data, 316,405 o 51% ng 617,898 lisensyadong nurse sa Pilipinas ang nag-migrate sa ibang bansa. 172,598 o 28% lamang ang nagtatrabaho sa mga local healthcare facilities.