Narito ang magiging lagay ng panahon ngayong maghapon ng Lunes, Disyembre 26, 2022.
Ayon sa daily weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging maulan sa bahagi ng Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Island.
Makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan ang mga taga-Northern Mindanao, Palawan at nalalabing bahagi ng Visayas at CARAGA Region.
Ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora, Quezon, Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon ay magiging maulap ang papawirin at may paminsan-minsang pag-ambon at mahinang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.
Ang malamig na simoy ng hangin at maulap na papawirin ay dulot ng Northeast Monsoon o hanging habagat na umiiral sa halos kabuuan ng bansa.
Nakataas pa rin ang banta ng flashflood at landslides lalo na sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas dahil sa madalas na panaka-nakang pag-ulan.
| Temperature | 29.0 °C | 2:00 PM | 23.6 °C | 6:00 AM |
| Relative Humidity | 81 % | 6:00 AM | 51 % | 1:50 PM |



