LAGAY NG PANAHON NGAYONG MARTES, Disyembre 27, 2022


Narito ang magiging lagay ng panahon ngayong maghapon ng Martes, Disyembre 27, 2022.

Magiging maulan pa rin sa Visayas at sa hilagang bahagi ng Mindanao dahil sa umiiral na Shear Line.

Ang Luzon naman ay mananatiling maulap ang papawirin na may bahagyang pag-ambon at kalat-kalat na tagaktak ng ulan dahil sa umiiral na Northeast Monsoon o hanging habagat.

Ayon sa daily weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas pa rin ang banta ng flashflood at landslides o pagguho ng lupa sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa torrential rains o malakas na buhos ng ulan.

Narito ang mga lugar na direktang apektado ng Shear Line:

·         Eastern Visayas

·         Northern Mindanao

·         CARAGA Region

·         Palawan

·         Iba pang bahagi ng Mindanao

Ang mga lugar naman na apektado ng Northeast Monsoon na posibleng makaranas ng kalat-kalat at mahihinang pag-ulan ay ang:

·         Cagayan Valley

·         Cordillera Administrative Region (CAR)

·         Aurora

·         Quezon

·         Bicol Region

Mas maliit naman ang tsansa ng pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.

Ano nga ba ang SHEAR LINE?

Ø  Ayon sa AMS Glossary of Meteorology, ito ay isang linya o makitid na lugar kung saan may biglaang pagbabago sa direksyon ng hangin. Ang bangaan o “convergence” ng hangin sa himpapawid ay nagdudulot ng mas madalas na thunderstorm o mga pag-ulan sa loob ng shear line.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x