Kalaboso ang isang magsasaka sa Kalilangan, Bukidnon matapos makorner ng buy-bust team ng Philippine National Police (PNP) habang nagtatago sa loob banyo.
Kinilala ang suspek na si Nilo Saburao alyas “Batecan”, 53 years old.
Ayon sa PCol Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon PNP, nakatakas sa buy-bust ang suspek pero natiyempuhan ito habang nagtatago sa loob ng banyo sa Purok 4, Malinao, Kalilangan, Bukidnon.
Hindi na nakapalag ang suspek nang inguso siya ng residenteng nakakita sa kanya.
Nakumpiska sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680, isang nit ng cellphone at motorsiklong ginamit sa pagtakas.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.