NOTORYUS GANG MEMBER NANLABAN, PATAY!

Patay ang isang miyembro ng notorious gang member matapos manlaban sa operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa Purok 7 Brgy. Maligaya, San Miguel, Bulacan kahapon, Nob. 28.

Kinilala ni PCol. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PNP ang napatay na suspek na si Rommel Suarez.

Ayon kay Arnedo, ang suspek ay miyembro ng “Salvador Criminal Group” na kilabot na armed robbery at illegal drug operator sa Central Luzon.

Nagkabarilan umano nang magsilbi ng warrant of arrest ang mga tauhan ng PNP Bulacan sa bahay ng suspek.

Sugatan sa palitan ng putok ang dalawang pulis na sina PCpl Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng Bulacan 2nd PMFC 3rd Maneuver Platoon.

Nasakote naman ang iba pang personalidad na kasama ng suspek. Ito ay sina Fernando Perez, 56; Reynier dela Cruz, 24; Hierlyn Ann Pangilinan, 30; Rowena Daquiz, 43.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x