Para mas palakasin ang presensya sa buong probinsya…
BIKE PATROL, INILUNSAD NG BULACAN PNP

Asahan nang mas magiging visible at mas accessible na raw ang ngayon ang mga Pulis-Bulacan sa buong lalawigan ayon kay Bulacan Police Provincial Office Director PCol. Relly Arnedo.
Kahapon, Enero 18, inilunsad na ang Bike Patrol sa Camp Gen. Alejo S. Santos, Malolos Bulacan sa pangunguna ng Bulacan Police Provincial Office katuwang ang Provincial Government of Bulacan.
Walumpung (80) pulis mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa buong lalawigan ang nabigyan ng bisikleta, helmet at arm sleeves. Layunin ng bike patrol na mas mapalakas pa ang presensya ng mga alagad ng batas sa ibat ibang lugar at tourist destination ng probinsya.
Layunin din ng PNP Bike Patrolling na ma-promote ang physical fitness ng Bulacan police at pangangalaga sa kalikasan.