Pangatlo ang mga Pilipino sa buong mundo sa haba ng oras na ginugugol sa paggamit ng internet at social media sa bawat araw.
Ayon sa nakalap na data ng Atlas VPN noong 2022, Ranked number one ang mga taga-South Africa, na tumatagal ng 578 minutes (9 hours and 38 minutes) sa pagtutok sa mga social media platforms.
Pumangalawa ang mga Brazilians na may 572 minutes (9 hours and 32 minutes).
Gumugugol ng average na 554 minuto o (9 hours and 14 minutes) ang mga Pilipino upang matali sa ikatlong pwesto.
Tumabla naman sa ika apat ang mga Argentinians at Colombians, na parehong gumugugol ng 541 minutes (9 hours and 1 minute) kada araw.
Ang iba pang mga bansa na ang populasyon ay gumugugol ng higit sa average na tagal ng oras sa online ay ang United States na may 419 minuto (6 na oras at 59 minuto) halos kapareho nito ng mga nakatira sa Singapore.
Ang mga Canadian ay gumugol ng average na 395 minuto (6 na oras at 35 minuto).
Ang mga bansa naman sa Europe ay gumugugol ng mas kaunting oras sa online.
Ang mga Austrian ay nagtala ng 322 minuto (5 oras at 22 minuto), habang ang mga Germans ay may 312 minuto (5 oras at 12 minuto). Ang Denmark ay may pinakamababang oras sa pananatili online na may 298 minuto (4 na oras at 58 minuto).