Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ang Top 1 Most Wanted Person ng Misamis Occidental matapos ihain sa kanya ang Warrant of Arrest sa kasong Rape.
Sa isinagawang “Oplan Pagtugis” ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group Misamis PFU at Intel operatives ng Oroquieta City Police Station, naaresto ang suspek na si Danny Amboang alyas Dan, residente of Purok-6B, Barangay Taboc Sur, Oroquieta City, Misamis Occidental.
Ayon kay PLtCol. Joel Nacua, naaresto ang suspek dakong 9:05 ng umaga sa South Taboc, Oroquieta City, Western Misamis nitong Enero 9, 2023 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na na walang rekomendadong piyansa.
Pansamantalang nakakulong ang suspek sa CIDG Misamis Occidental PFU Office habang hinihintay ang kanyang commitment order mula sa korte.