TRADISYUNAL NA KASALAN SA BATANGAS, PINAGPATULOY!

Buhay na buhay muli ang tradisyunal na “Dulot” at “Sabit” sa kasal nina Syjay Dalwampo at Bel Banaag mula Batangas. Imbes na makukulay at magagarbong mga souvenirs, punong-puno ng gulay, prutas, ulam, at mga kakanin ang kanilang giveaways sa mga bisita.

Masayang ibinahagi nila na talagang namangha ang lahat sa kanilang sabit at nakangiti habang tulong-tulong sa paghahanda.

“Ginawa po namin ito upang ma-experience at ipagpatuloy ang tradisyon ng Batangas na tinatawag na ‘sabit’” saad ng mag-asawa sa isang panayam.

Ang “Dulot” o “Sabit” ay tradisyon tuwing may kasalan sa Batangas. Ang mga ikakasal ay nagbibigay ng “goods” sa kanilang mga mga ninong at ninang kapalit ng mga “monetary gift”.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x