Kinumpirma ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkamatay ng dalawang miyembro Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction matapos ang engkwentro noong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Omar Indong, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasama nito.
Nakipag-barilan umano ang dalawa malapit sa checkpoint sa Brgy. Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.
Ayon kay Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., Commanding Officer ng Makabayan Battalion, lulan ng tricycle ay unang naglabas ng baril ang mga suspek at nagpaputok sa mga papalapit na mga sundalo.
Dead-on-arrival ang dalawang suspek na isinugod sa Integrated Provincial Health Office sa Maguindanao.
Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 na pistol at mga bala.”.