Apat ang kumpirmadong patay, habang dalawa ang nakaligtas sa nangyaring panloloob sa isang bahay sa Sitio Kiabacat, Barangay Songco, Lantapan, Bukidnon noong umaga ng Linggo, Nob. 27.
Kinilala ang mga biktima na sina Rocky Cruz, 33; Rachel Cruz, 19; Winlove Sinto, 30; at Daniel Lugnasan 54, years old.
Sugatan naman si Mael Lugnasan at isang menor-de-edad matapos tamaan ng bala sa katawan at kamay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Lantapan Municipal Police Station, posibleng agawan sa lupa ang motibo sa krimen.
Samantala, positibong kinilala ng mga saksi ang tatlong suspek sa krimen na sina Julie Saway, Dindo Saway, at Elferdie Saway.
Agad daw tumakas ang mga suspek matapos isagawa ang krimen.
Ikinasa na ng Lantapan Police ang hot-pursuit operation para mahuli ang mga salarin.