AWAY-KALSADA: ESTUDYANTE BINARIL SA MUKHA, PATAY!

Patay ang isang college student sa Norzagaray, Bulacan matapos itong barilin sa mukha ng naka-alitan nito sa isang road-rage noong Lunes, Nobyembre 7.

Sakay ng kanyang motor ang biktimang si John Paul Benedict Cruz, 22, nabangga umano nito ang isang lalaking sakay ng mountain bike. 

Dahil sa aksidente, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa.

Ilang sandali, bumunot umano ng baril ang siklista at binaril ng malapitan si Cruz na tumama sa kanyang kaliwang pisngi.

Sa isinagawang follow-up operation ng Norzagaray Police, lumutang ang isang saksi at kinilala ang suspek na si alyas Michael Torrazo, nasa hustong gulang, at namamasukan bilang house boy. 

Dead-on-the-spot ang biktima, habang pinaghahanap pa ang suspek.