Arestado ang isang High Value Individual sa isinagawang buy bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Brgy. Salitran 4, Dasmariñas City noong Martes, Nobyembre 8.
Naaresto ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) at sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ang suspek na si Jhener Soriano alyas “Majo”.
Nasamsam sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 25 grams na mayroong street value na P170,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.